Tuesday, November 26, 2019

FOUNDER, CHAIRMAN & PHILANTHROPIST

Image result for jack ma
Alibaba Co-Founder Jack Ma is the richest man in China. He's now worth $38 billion. Here's how the e-commerce tycoon makes and spend his money.

Image result for jack ma
Jack Ma, or Ma Yun, is a Chinese business magnate, investor, politician
and philanthropist. He is the co-founder and former executive
chairman of Alibaba Group, a multinational technology
conglomerate.
Ma is a strong proponent of an open and
market-driven economy

Source:. Wikipedia

#ALIBABA
#JACKMA


Monday, October 14, 2019

DAGDAG KAALAMAN


Benjamin Asis's photo.
Benjamin Asis
Naaala ala pa ba ninyo ang Florante at Laura,
na sinulat ni Balagtas, ang nom de plume ni Francisco Baltazar?

Ito po ang buod (summary - hindi ko alam ang sumulat to give credit)
Florante at Laura
Ang kuwento ng Florante at Laura ay nagsisimula sa isang madilim na gubat sa may dakong labas ng bayang Albanya, malapit sa ilog Kositong na ang tubig ay makamandag. Dito naghihimutok ang nakataling Florante na inusig ng masamang kapalaran. Ang mga gunita niya ay naglalaro sa palagay niya ay nagtaksil na giliw na si Laura, sa kanyang nasawing ama, at kahabag-habag na kalagayan ng bayan niyang mahal.
Sa gubat ay nagkataong may naglalakad na isang Moro na nagngangalang Aladin. Narinig niya ang tinig ni Florante at dali-dali niya itong tinunton. Dalawang leon ang handang sumakmal sa lalaking nakatali. Pinatay ni Aladin ang dalawang mababangis na hayop at kanyang kinalagan at inalagaan si Florante hanggang sa muling lumakas.
Ikinuwento ni Florante ang kanyang buhay. Siya ay anak nina Duke Briseo at Prinsesa Floresca. Muntik na siyang madagit ng buwitre at iniligtas siya ng kanyang pinsang si Menalipo na taga-Epiro. Sinambilat ng isang halkon ang kwintas niyang diyamante. Pinadala siya ng kanyang ama sa Atena upang mag-aral sa ilalim ng gurong si Antenor. Natagpuan niya doon ang kanyang kababayang si Adolfo na kanya ring lihim na kaaway. Iniligtas siya ni Menandro sa mga taga ni Adolfo nang minsang magtanghal sila ng dula sa kanilang paaralan. Tapos ay nakatangap si Florante ng liham tungkol sa pagkamatay ng sinisinta niyang ina.
Pagkabalik niya sa Albanya kasama ang matalik niyang kaibigang si Menandro, pinatay niya si Heneral Osmalik na kumubkob sa Krotona. Nagkaroon siya ng mga tagumpay sa labimpitong kahariang di-pa-binyagan matapos niyang iligtas si Laura sa hukbo ni Aladin na umagaw sa Albanya nang siya’y nakikipaglaban sa ibang bayan. Natalo din niya ang Turkong hukbo ni Miramolin at iba pa. Nagwakas ang kanyang pagsasalaysay sa pandarayang ginawa sa kanya ni Adolfo matapos kunin ang trono ng Albanya at agawin sa kanya si Laura.
Nagpakilala ang Moro na siya’y si Aladin, kaaway na mahigpit ng relihiyong Kristiyano at ng bayan ni Florante. Ang kanyang kapalaran ay sinlagim ng kay Florante. Inagaw sa kanya ng kanyang amang si Sultan Ali-Adab ang kanyang kasintahang si Flerida.
Pagkatapos ng pagsasalaysay ay narinig nila ang dalawang tinig na nag-uusap. Tumayo ang dalawang lalaki at nakita nila sina Laura at Flerida na nag-uusap. Si Flerida’y tumakas sa Persya upang hanapin si Aladin at nang mapagawi siya sa may dakong gubat ay nasumpungan niya si Laura na ibig gahasain ni Adolfo, pinana niya ito at naligtas si Laura sa kamay ng sukab.
Ikinuwento ni Laura ang paghuhuwad ni Adolfo sa lagda ng kanyang ama upang madakip si Florante. Isinalaysay niya ang pamimilit ni Adolfo sa kanya at pagdadala sa gubat.
Sa ganoon ay nabatid nina Florante at Aladin na ang kani-kanilang mga katipan ay pawang tapat sa kanila. Sina Florante at Laura ay matagumpay na naghari sa Albanya at sina Aladin at Flerida, pagkatapos na maging binyagan at pagkamatay ni Sultan Ali-Adab, ay naghari sa Persya.

Saturday, August 24, 2019

Kapanahunan ni Ferdinand E. Marcos

https://www.facebook.com/groups/irguhan/permalink/2091518927619976/https://www.facebook.com/groups/irguhan/permalink/2091518927619976/

Vice-Mayor L.A. RUANTO

Image may contain: 8 people, people smiling, text
Vice-Mayor L.A. RUANTO is now the Chairman/President of the National Movement of Young Legislators (NMYL) Quezon Province!

Siya ngayon ang Mangunguna sa samahan ng kabataang mambabatas ng Quezon na may edad 40 years old pababa mula Vice Governor, mga Board members, Vice Mayors, Councilors at mga SK Federation President

Congratulations Vice Mayor L.A. RUANTO at sa ating konsehala Anini Manalo bilang Secretary General ng NMYL Quezon. Mabuhay!

#GalingInfantahin

SOURCE:https://www.facebook.com/183906155022003/photos/2150448355034430/