Wednesday, July 28, 2010

Manny Pacquiao

Si Emmanuel "Manny" Dapidran Pacquiao, (ipinanganak ng Disyembre 17, 1978), ay isang Filipino na boksingero at pulitiko. Siya ay kilala sa palayaw na "Pacman". Siya ang kauna-unahang boksingero sa kasaysayan ng boksing na naging kampiyon sa pitong pangunahing titulo sa pitong iba't-ibang klase ng timbang — Flyweight, Super Bantamweight, Featherweight, Super Featherweight, Lightweight, Light Welterweight and Welterweight.[2] Siya din ang kauna-unahang boksingero na linyal na kampiyon sa apat na iba't-ibang klase ng timbang — Linyal na Kampiyon sa Flyweight, Linyal na Kampiyon sa Featherweight, Linyal na Kampiyon sa Super Featherweight at Linyal na Kampiyon sa Light Welterweight.[3] Mayroong siyang nakakasirang kaliwang buntal na may kakayahang matapos ang isang laban sa isang iglap.

Si Pacquiao ang kasalukuyang Kampiyon ng WBO World Welterweight (Super Champion) at Kampiyon ng The Ring Junior Welterweight. Siya din ay naitala sa listahan ng The Ring,[4] ESPN,[5] Sports Illustrated,[6] NBC Sports,[7] at About.com[8] bilang pinakamahusay at pinakamagaling na boksingero sa buong mundo.

Si Pacquiao ang dating Kampiyon ng IBO World Junior Welterweight, Kampiyon ng WBC World Lightweight, Kampiyon ng The Ring World Junior Lightweight, Kampiyon ng WBC World Super Featherweight, Kampiyon ng The Ring World Featherweight, Kampiyon ng IBF World Junior Featherweight at Kampiyon ng WBC World Flyweight. Siya din ay isang WBC Emeritus Champion, WBC Diamond Champion at WBO Super Champion.

Tinalo at pinatumba na ni Pacquiao ang mga boksingero na sina Chatchai Sasakul, Lehlohonolo Ledwaba, Marco Antonio Barrera, Juan Manuel Márquez, Érik Morales, Óscar Larios, Jorge Solís, David Díaz, Oscar De La Hoya, Ricky Hatton, Miguel Cotto at Joshua Clottey.

Si Pacquiao ang kinakatakutan ni Floyd Mayweather Jr. na makalaban sa ring. Si Mayweather ay isang duwag at baklang boksingero na laging gumagamit ng istilo na pandaraya sa tuwing ito ay lalaban sa ring. Laging binabanggit ni Mayweather ang pangalan ni Pacquiao sa tuwing pinapanayam ito ng mga reporter. Ngunit kapag hinamon ni Pacquiao ng laban sa ring, agad nakakapag-isip si Mayweather ng mga dahilan at plano upang maiwasan kalabanin si Pacquiao   http://tl.wikipedia.org/wiki/Manny_Pacquiao

No comments:

Post a Comment